Filed under: Edd
tapos na ako sa eco..
buti na lang me nagbulong na anghel sa king utak na di dapat isama ang tax… wahaha… walang sense to senyo pero sa kin meron.. wahaha
naprepressure ba ko sa mga kaibigan kong lalake?
lahat kasi sila eh busy at the moment about girls.. as a matter of fact, ako lang ata sa rum ang walang luv interest.. ewan. wala ako matipuhan.. tsk.
haha. naalala ko tuloy ung isa kong babaeng natipuhan ( itago natin sa panalang jille). nakita ko siya nung isang araw na nakajumper. oo. jumper. hindi ng cable o kuryente but jumper na damit. wahaha. natatwa lang ako. (bitter? naaaah)
ome…ung cd mo. wahaha. sana magkta minsan.
me pagkikta daw bukas? amoizing! kea lang di ako mkksama sa bondingan sa bewok. my class is from 130pm to 730pm. at puro major sila. tsk. bad.
february na pala. feb-ibig daw. waha. la ako date as usual. tayong mga single na lang… (sori yana, chibs, bek,ces,kun). at tatanda rin pala akongaun buwan. haii.
tama n nga to.
Filed under: Des
ayun. dahil nagkasabay ang histo lec long etst at histo lab prac, na 30 mins lang ang break in between. kumusta naman. naglalakad ako, feeling ko nakakakita ko ng arteries at veins.
at nadagdagan ng isang water bottle ang bag ko ngaun. si ren kasi ay iniwan ang kanya. at sakin binigay ni pen para isoli tom. naman.
dali dali. magplano tayo for fri. para may valid reason ako pag nagkaplano bigla ang block sa fri.
at nagbunutan pala kami kanina para sa valentines. since majority ay walang magbibigay ng flowers, ala- kris kringle ang drama namin. mga naka-4 na bunutan kami dahil laging may nakakabunot ng sarili nya.
at nasabi ko bang classmate ko si jai reyes sa psych? medyo pinag uusapan one time ang homosexuality, tas biglang syang nag joke, or joke nga ba: “si chris tiu, bading.” “weeeeeeeeee” lahat ng girls sa class. harhar.
whatever. napilitan akong magcut ng german kanina. kasi ba naman ay 8 na ko dumating ng school. kakahiya naman kung magpa grand entrance pa ko e 30 mins na lang din. so nag aral na lang ako sa lib. at nang mag 830 na, tinamad na rin akong maglakad papntang psych, so damay damay na.
anak ng tipaklong na buhay to o. bakit ko napagkamalang nodule ang white pulp? bakit di ko nakita ang central artery?!!!!!!
oh well sa mga di nakapunta kagabi kina juls, harhar.
Filed under: Karls
muntik na kong manakawan ng celfone at pera sa jeep kaninang umaga.
3 lalaki, magkakasabwat. katabi ko ung isa (1), katabi niya ung isa pa (2), katapat ko naman ung pangatlo (3). may 4 na babaeng sumakay na tumabi dun sa katapat ko tapos nagforward siya ng konti ng upo kasi nga masikip na. ung bag ko nakapatong lengthwise sa lap ko. maya-maya, ung parang cloth envelope nung katabi ko nakapatong na rin sa bag ko, at ung elbow niya nakatakip dun.
natunugan ko na parang teka lang ha ano to. nag-usap sila, hindi ko maintindihan kung anong dayalekto. naglabas ung si 2 ng barya, nahulog kunwari. si 3 ang kumuha ng barya sa flooring, pero tangina, hinawakan ung paa ko. akala ko manyak lang e. iniiwas ko ung bag ko kay 1 dahil kumbaga perfect time yun para buksan niya ung bag ko.
me sinabi ulet si 3 habang hawak ung paa ko, tapos biglang takbo pababa ng dyip. binuksan ko bigla ung bag ko. “bakit biglang bumaba yun?” sabi nung isang ale. tangina, celfone ko wala na sa bag ko!
“manong ung celfone ko?!” sabi ko sa katabi ko, si 1.
“grabe ka nakakagulat ka naman” sabi niya. my phone was on the motherfucker’s lap. kinuha ko, kinapa kung celfone ko ba ung nandun, pati ung usb ng friend ko. bumaba rin sila bigla ni 2. chinek ko ung wallet ko, binilang ang pera. pati ata shades ko muntik na nilang kunin e.
sabi ko dati, kung sakaling gawan ako ng masama ng kahit sino–manakawan, kidnapin, ma-rape, lokohin–hindi lungkot o kawalang pag-asa ang una kong mararamdaman. galit, at inis, at pagkamuhi. mas tatatak sa utak ko na ginago ako kaysa sa sakit nung mismong nangyari. mas magagalit ako kaysa malulungkot. WALA, WALANG SINUMAN ANG PWEDENG MANLOKO SA AKIN.
kaya buti na lang at natakasan nila ako kanina. kahit may balisong o baril o ice pick pa sila. hindi yung celfone ko ung hahabulin ko sa kanila, ung mismong ginawa nila sa akin. kung sakaling nakuha nila fone ko, alam ko na hahabulin ko sila at pag inabutan ko, tangina, malas nun.
(huwag nyo kong galitin. hindi nyo ko kilala, at mas lalong hindi niyo alam kung anong kaya kong gawin)
buong 30 minutos na biyahe ko sa ateneo, nagpupuyos ang loob ko. nanginginig ako kasi hindi ako makapaniwalang may susubok na ganunin ako. gusto kong manakit ng tao, kahit sino, basta may masaktan lang ako kapalit nila. nilalamig ako kahit na halos tanghaling tapat na at ang init ng usok sa kalsada. wala akong ibang inisip kundi pano ko pwedeng gantihan ang mga tiyanak na yun.
pag nagkita kami ulit sa jeep, talagang sisigaw ako ng snatcher. tignan ko lang kundi sila kuyugin ng nga pasahero.
at ano ba to, joke? bukas nasa police beat ako sa journ, at malamang sa hindi mga ganitong kaso ang makikita ko bukas at sa lunes. buti na lang at kahit paano prepared na ko ngayon.
Filed under: Ome
uhm my pinananood akong anime title ay “school rumble”
masaya sya wahahaha my pagk-love hina alam niyo na… high school setting masaya lang kso ung 2nd season ung pinanood ko. well
high school un kaya naman medyo ganun ang mga nangyari…
napanood ko na rin ung full metal movie, para dun sa mga interesado… ang storya ay si envy (ung shape-shifter) na homonculous (tama b?) ay naging malaking ahas sa alternate world kung saan walang alchemy kung saan napunta si edward. sa mundong un may mga kamuka ung mga tao sa real world iba lang ung name….. si envy ay ginamit ng mga tao dun para makapagbukas ng gate para makapunta sa real world. nkabalik si ed at dun naganap ung laban kasama si al na nawala ung memory sa mga naganap n 4 years.
ung end ay bumalik si ed sa alternate world para sirain ung gate…sumama si al n nabalik n ung memory…
end.
The things I want to tell you are too heavy;
As it is it looks like I’ll cave in
There are too many feelings I can’t put into words
And they can’t reach that person over either a short or long distance
Even if we look at the endlessly blue sky in the same way
I can’t help but think that you only see cloudy sky
-school rumble, op. theme
ang drama pala ng princess hours at napanood ko n rin ang ending.. madrama!!!! un
my napanood din akong movie si kim sam soon ang bida tapos pulis sya dun…action comedy… she is on duty ang title.
wahhhhhh bakit ndi pa tau nagkikita-kita ngaung year!!!!!!!!!!?
magandang balita!
maganda nga ba? depende, kung me NSTP kayo kinabukasan gaya ko. hehe.
tama ba na ang up fair ay sa feb 16, mga 18 days mula ngayon? kasi kung ganun nga, e di magpunta naman tayo guys! btw, talagang buo na ang loob ko na magstay ng hanggang umaga sa sunken garden sa pagkakataong ito. hehe. kaya nga lang, may nstp ako ng 830 kinabukasan. so pano na?
ang good news nga pala ay meron na tayong tutulugang bahay na malapit–tada!–sa amin. nakipag-away pa ang nanay ko sa akin kagabi nung magpaalam ako ng obernayt sa up fair.
“pupunta pa kayong pasig? e bakit hindi na lang dito sa atin?”
“e kung alas tres na ng umaga kami dumating? e tulog na kayo non e!”
“okay lang. wag ka nang lumayo, bakit ba ang hilig hilig mong matulog sa ibang bahay e ung bahay mo nga ung pinakamalapit?”
so settled na yon. kung hindi naman tayo obernayt…ewan ko. i think magoobernayt pa rin tayo e. bahala na si batman sa nstp. hehe. me isa pa naman akong cut e.
magplano na tayo guys!!! at kelangan pa bang imemorize na miss ko na kayong lahat?!
Kuss! Kuss! =@
Filed under: Des
you have got to read kawris’ blog. seriously. ang tagal ko na di nakakusap si kawris kaya uber natawa na lang ako nung mabasa ko yun.
at tama rin na dapat na tayong mabuhay. kumusta namana ng sobrang walang pagkikita at pag uusap man lang.
uber weird lang. kinakarir ko ang mga non majors ko: chem, german, psych, sa. samantalang ang histology lab at lec ko, bagsakan ang labanan. nagpapababaan yata sila. ewan.
kahapon, sa lab, nagkaroon ng parang “game”, na review para sa prac next week. seryoso, sobrang sumakit ulo ko after. yung talagang nag-throb. kasi naman, maghanap daw ba ng kung anu-anong structure sa slide na pare-pareho naman halos ang hitsura. nagkamali kami ng 2, lahat puro layers of the heart. malay ko ba dun.
nakasama ko yung kabilang bio block. i therefore conclude na walang mali sa block namin. lahat yata ng bio blocks, ganun madalas ang mga topics of conversation.
at gagawa ako ng scrapbook para sa psych!! ung i-aanalyze mo kung pano naka-affect ang childhood mo sa kung ano ka ngayon.
neway. mag reresearch pa ko ng makasaysayang hermaphoditism at hereditary hemorrhagic telangiectasia, project sa histo. yak.