magandang balita!
maganda nga ba? depende, kung me NSTP kayo kinabukasan gaya ko. hehe.
tama ba na ang up fair ay sa feb 16, mga 18 days mula ngayon? kasi kung ganun nga, e di magpunta naman tayo guys! btw, talagang buo na ang loob ko na magstay ng hanggang umaga sa sunken garden sa pagkakataong ito. hehe. kaya nga lang, may nstp ako ng 830 kinabukasan. so pano na?
ang good news nga pala ay meron na tayong tutulugang bahay na malapit–tada!–sa amin. nakipag-away pa ang nanay ko sa akin kagabi nung magpaalam ako ng obernayt sa up fair.
“pupunta pa kayong pasig? e bakit hindi na lang dito sa atin?”
“e kung alas tres na ng umaga kami dumating? e tulog na kayo non e!”
“okay lang. wag ka nang lumayo, bakit ba ang hilig hilig mong matulog sa ibang bahay e ung bahay mo nga ung pinakamalapit?”
so settled na yon. kung hindi naman tayo obernayt…ewan ko. i think magoobernayt pa rin tayo e. bahala na si batman sa nstp. hehe. me isa pa naman akong cut e.
magplano na tayo guys!!! at kelangan pa bang imemorize na miss ko na kayong lahat?!
Kuss! Kuss! =@
1 Puna sa ngayon
Mag-iwan ng puna
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
shocks. yuck. mali yung napagpostan ko kanina. and i quote:
Comment ni des Enero 29, 2007 @ 9:34 umaga“bale pakigising na lang ako ng maaga. malapit na ko ma overcut sa nstp e. at wala akong balak umulit. naman” or something like that.