Filed under: Des
medyo nahiya naman ako sa gurad na naginspect ng bag ko nung lumabas ako ng lib. may 4 na wrappers kasi ng snickers na kitang kita pag binuksan mo. okay lang sana kung yung fun size, but no. since tues lang naman ako hindi naglinis ng bag so. . . ang tanging excuse ko ay marami akong long test, papers, at reports na tinatapos ngayon kaya, natural, nagappaka-high ako. at least medyo safe.
habang gumagawa ng hereditary hemorrhagic telangiectasia paper—
ruby: des question. blah blah blah?
des: e di ayun.
ruby: ah, okay. thanks. galit ka ba?
des: ha?
ruby: e ang sungit mo eh.
ren: aba, e kelan ba naman naging hindi masungit yan? normal lang ang ganyan, di ka pa nasanay.
des: at least alam mong wala akong multiple presonality no. ang consistent eh.
kinabukasan, gumagawa pa rin ng HHT paper—
ruby: des question. blah blah blah?
des: e di ayun.
ruby: ah, okay. thanks. galit ka ba?
des: ha?
ruby: e ang sungit mo eh.
ren: aba, e kelan ba naman naging hindi masungit yan? normal lang ang ganyan, di ka pa nasanay.
des: kakausap lang natin nito kabagi!!! SO ETO NA ANG PART NA SASABIHIN KONG: at least alam mong wala akong multiple presonality no. ang consistent eh.
******************
text ni ruby at ren kay daisy: dais, pupunta ka pa ba dito sa school? kasi kung hindi, kami na lang aatack dyan, sabi ni master des.
ako: $%^ seriously??
nagyon, kada kami sasakay ng sasakyan at katabi ko si ruby, aayusin ni ruby ang aircon at itatapat sakin.
ruby: uhm, okay na po ba boss (or master minsan)?
des: ah, oo. salamat.
whatever. bossy na kung bossy.
Mga Puna sa ngayon
Mag-iwan ng puna
astig parang sex and the city. hehe
Comment ni chan Marso 22, 2007 @ 7:17 umagait so rhymes: bossy dessy
Comment ni karla Marso 23, 2007 @ 1:49 umagauhm, so paano to naging sex and the city?
Comment ni des Marso 28, 2007 @ 1:07 umaga