Filed under: Chan
so ayun nga, kaka3rdlongtest lang namin kanina sa physics. mejo natuwa ako sa test hehe. mas mahirap kasi yung mga dati.
so ngayon, inuumpisahan ko na yung article namin ni kawris na dapat due pa nung lunes. kamusta naman yun. hell week kasi ako ngayong linggo. histo paper, physics lt, psych lt, artic, ethno paper etc..
at ang isa pa, di pa ko tapos sa service hours ko. 7 hours pa kulang ko at mabuti na lang kanina, walang physics lab na 12-430. so 12 pa lang kanina, free na ko. so mga 1, punta ko oaa. kakahiya na kay ate tin (o ako ba dapat mahiya), kasi laki pa ng kulang ko. pero sabi ng id ko, siya may kasalanan. kasi tuwing pumumupunta ko nitong mga huling araw, wala raw available. tragis.
tulad ulit kanina. sabi ni ate tin, punta na lang ako sa mga departments. kaya inisa-isa ko mga departments kanina. ok sana kung may tinu-tour ako diba?
sa infirmary: ay andito na si jayson eh (bakit maam pwede naman kaming dalawa ah?). sa adsa: ay wala pa kami bukas balik ka (tang ina mo). sa math department: hehehehe naghahabol ka no? (opo gusto mo basagin ko uli yang salamin mo?). sa theo department: ay sorry (sorryhin mo mukha mo). sa adaa: pwede balik ka bukas? (walang utang ngayon, bukas mayron).
lintek para akong nag-apply ng trabaho kanina.
at sa huli, sa psych dept ako napunta. ang task: shred. gabundok na papel ang kailangan kong i-shred na mga lumang departmental final exam. syempre, kumuha ako haha!
so ayun natuwa naman ako kasi sa tv ko lang nakikita yung shredding machine (tama ba yung tawag?). pero kapagod din. 1pm ako nagsimula at namalayan ko na lang, 530 na. so naka5hours ako. bukas balik daw ako para makumpleto yung kulang kong 2 hours. yehey.
PS: yana, chekan mo yung name mo dun sa isang bar na “categories” sa kanan pag magpopost ka para mafile under sa name mo.
at nga pala, kung gusto nyong basahin (dahil gusto nyong subaybayan ang mga namis nyong sinulat nya rito) ang lahat ng post ng isang partikular na tao, kunwari mga post ni kawris, click nyo lang yung name nya dun sa kaliwang bahagi ng blog site natin mismo.
ok? sige mis ko na kayo . piberdey bek!
Filed under: Chan
martes ngayon, pumasok pa rin ako sa p6 kahit may beke ako. kasi may test. kagabi, nagdeliryo na naman daw ako sa taas ng lagnat. lagi na lang ganun pag may mataas akong lagnat parang sinasapian daw ako. sina erpats at ermats nagtulong para hindi ako malabas (dahil gusto ko na namang lumabas ng bahay para magslipwok)
katarapos lang ng long test sa p6, hindi nako atend ng math. kelangan kong magpahinga at para hindi na ko magmukang sandwich, sabi nga ni janeen. pagdasal nyo ko. teyngs.
Filed under: Chan
so ngaun ang buong sem ko ay isang masalimuot na adventure. tuwing mwf ba naman eh mga subjects ko eh kabisaduhan at may mga readings na makapal pa sa libro ng buhay. hehe
sa histo ako kinakabahan. sobrang galing ng prof ko kaya di ko masakyan. ayos naman kasi ayaw nya ng objective. ayaw niyang kinakabisado namin mga dates at names ng mga taong tinuturo niya. gusto niya yung events mismo at kung ano yung nangyari. nakaka-challenge pero nakakakaba.
sa ibang bagay ay ayos lang ako. may pagbabago nga lang ngayong sem. di tulad ng dati. hay.
mis ko na kayo. nakakalungkot din pala pag wala kayo. hehe senti time.
so ngayon ang plano ko ay magbago.
Filed under: Chan
Bago ang lahat, lalo na ang ating blog. yehey!