Filed under: Karls
siyempre habang nakasakay sa trike me kotse sa harap namin. toyota corolla, dark blue. me car sticker siya sa may salamin sa likod at ito ang nakasulat:
ANAL INSPECTION
eew! sabi ko. tapos narealize ko baka mali ang pagkabasa ko. mali nga. ang nakasulat pala talaga ay
FINAL INSPECTION
okay. so ano ang sense nun? wala. wala talaga. siguro talagang naduling lang ako plus me shades pa kasi akong suot so ayun.
Filed under: Karls
Make them laugh, it comes so easy
When you get to the part
Where you’re breaking my heart
Hide behind behind your smile, all the world loves a clown
Wish you well, I cannot stay
You deserve an award for the role that you played
No more masquerade
You’re one lonely star
p.s. ah lab ‘reyna ng quezon city’ by juana. don’t you too? XP
Filed under: Karls
I’ve always been in love with you (always with you)
I guess you’ve always known it’s true (you know it’s true)
You took my love for granted
Why oh why?
This show is over, say good bye
**ang ganda no? aun lang. for more bitterness, search the rest the rest of the lyrics.**
Filed under: Karls
bale next week ibang level ang pagkarir ko sa acads. pano ba naman kasi, buong linggo sunud sunod ang long tests ko no. monday lang ako walang kelangang sagutang eksamen, yan ay kung walang teacher ko ang magkatopak at magbigay ng quiz or whatever sa monday. Dienstag, Mittwoch, Donnerstag, Freitag–may exam ako.
namanaman.
ibang klase talaga yung teacher namen sa SA. haha kanina ang lesson ay socialization of human beings, kung paano nadedevelop ang self. tapos lumihis siya sa lexicology ng word na ‘mamma’, which means breast daw. so to the infant, who knows nothing of what it is to be human, the world is a breast. kasi yun lang ang bagay na may consciousness siya of. hindi ko alam kung cool yun or what.
ang ‘papa’, diba for example sa tagalog kapag papapa na yung bata ibig sabihin kakain na siya. papa therefore means provider in that sense. ayun.
julius! sana gumaling na yang paa mo in time for sunday finals in taekwondo. hehe.
kahit gabi gabi na 7 hours ang tulog ko, kulang pa rin. kulang na kulang. hay.
Filed under: Karls
ano, um, bale wag kayong magugulat kung magtext na ko sa inyo ng tamang spelling at capital letters at the start of every sentence. try ko lang na maging mabuting bata sa english spelling. pero sa blog ko at dito, good luck. hehe.
visit me at http://kawrites.livejournal.com
at shetshetshet talaga. ang tanga tanga ko lang.
nung friday bago ako pumunta ng UP, sympre dumaan muna ako ng locker ko sa kostka para isaksak ung mga bagay na hindi ko naman kailangan. nararamdaman ko kasing gagabihin ko at maliligaw sa pagpunta doon e, so ayun.
may dalawang lalaking dumaan. yung isa naka blue polo, may salamin. ung isa nakawhite shirt at blue shorts. tinignan ko yung si white. sabi ko ‘parang kilala ko ‘tong taong ah’. at habang sinasabi ko yun sa utak ko, sabay din na narecognize ko ang lalaking tinitigan ko talaga para malaman kung saan ko siya nakita. TANGINA, SI CHRIS TIU PALA YUN. at ang gaga ay todo titig naman sa kanya. swear, hindi ko siya nakilala.
siyempre dahil medyo nahiya ko ibinababa ko yung mata at nag-ayos ulit ng gamit. e di nakalampas na sila sa akin ng mga 2 feet. lumingon ako ulit just to make sure na siya yun, at para sa huling tingin na rin. harhar. ayan, nakarma ako. paglingon ko kasi, lumingon din siya sa akin. so obvious talaga na tinitignan ko siya.
hayaan mo na. gwapo naman siya e. at saka hinding hindi naman niya malalaman ang pangalan ko no. at saka, ang liit lang pala niya no? haha.
Filed under: Karls
haha. wala lang.
i nagpishbol kami ng journ blockmates ko sa UP sunken garden kahapon. sobrang nawindang kasi kami sa paghahabol ng story sa city hall kaya nagtrip muna kami. bago umuwi ng kanya kanyang bahay, kain muna ng pishbol at nood ng palubog na araw sa di kalayuan.
nahihirapan na ko guys. hindi siya mahirap as in dudugo ung utak ko. yung mismong effort na ibibigay mo sa bawat storya, ung paggastos ng allowance para pumunta kung saan saan (swerte mo kung me kasabay ka at least me kakuwentuhan kang iba), ung kaba na baka walang mangyari pagkatapos ng lahat, ung takot na baka mahold up yung sinasakyan mong jeep o maagaw ung bag mo habang naglalakad ka sa quezon city circle–un yun e.
pero kaya ko ‘to. hekhek mas takot akong hindi kayanin ‘to at masipa sa toreng garing ng ateneo noh.
kamusta naman kayong lahat? ako as usual. kanina nga pala nag experiment kami sa socio anthropology class ko on deviant behavior. parang the goal is to do something totally unexpected and come back and report the audience’s reaction and your own.
me naglaro ng langit lupa sa caf. as in nakatuntong sila sa mga table at chairs at naghihiyawan sa tuwa na parang mga bata. kami pumasok sa loob ng boys cr habang me manong na umiihi at naghugas ng kamay. ung isa naman kumandong sa isang lalaking stranger at kinausap siya. ung isa pinaypayan ung mga parating na tao. ang fun talaga ng SA namen knina for a change.
ayun. feeling ko kung hindi ako magpepreno sandali at mangangausap ng kung sino sino para maglabas ng problema mabuburn out na ko very soon eh. at hindi naman un pwedeng mangyari so good luck.